Connect with us

Aklan News

Mga mamimili umaaray sa mataas na presyo ng sibuyas sa Kalibo Public Market

Published

on

Umaaray ang mga mamimili sa muling pagtaas ng presyo ng sibuyas sa Kalibo Public Market.

Pumapalo na kasi sa P180-P220 ang halaga nito ngayon.

Paliwanag ng mga nagtitinda, hindi kasi harvest season ng sibuyas at tanging stock na lang nila ang mga ibinebenta sa palengke ngayon.

Bukod sa mas mahal, tanging small at medium sizes na lang ang natitira sa kanilang stocks.

Ayon kay Deliah Patriarca, isang kusinera sa carinderia, kung dati ay saku-sakong sibuyas ang kanilang binibili, ngayon ay kilo na lang dahil sa sobrang taas ng presyo.

Inaasahang patuloy pa ang pagtaas ng presyo ng sibuyas gayundin ang mga bawang, gulay at karne habang papalapit ang Pasko.