Connect with us

Aklan News

MGA MUSLIM SA BORACAY NAG-UMPISA NANG MAGSIUWIAN SA MINDANAO

Published

on

NAG-UMPISA nang magsiuwian sa Mindanao ang higit 100 na mga Muslim sa Boracay na isa sa mga lubhang naapektuhan ng pagbaba ng turismo dahil sa pandemya.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay Boracay Muslim Community Leader Faisal Arumpac, sinabi niya na 229 ang bilang ng mga Muslim na nakahanda nang umuwi.

Unang nakaalis kaninang alas-5 ng umaga ang 110 habang naka-schedule naman ang natitirang 119 sa susunod na dalawang linggo.

Pahayag ni Arumpac, sinagot ng LGU at Regional Inter-Agency Task Force ang mga gastusin para makauwi sa Mindanao ang mga Muslim na matagal ng naghahanap buhay bilang vendors sa isla.

Mula sa Caticlan, isinakay sila ng bus papuntang Iloilo kung saan naghihintay ang barkong kanilang sasakyan pauwi sa Mindanao.

Bago ang COVID-19 pandemic ay mayroon na umanong mahigit 600 pamilya na nauna ng umuwi.