Connect with us

Aklan News

MGA NABAKUNAHAN NG FIRST DOSE SA LALAWIGAN NG AKLAN, UMABOT NA SA 85 PERCENT

Published

on

MGA NABAKUNAHAN NG FIRST DOSE SA LALAWIGAN NG AKLAN, UMABOT NA SA 85 PERCENT

UMABOT na sa 85 porsiyentong mga Aklanon ang nakatanggap ng kanilang first dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa latest record ng Provincial Health Office (PHO) – Aklan nitong Enero 24 para sa vaccination performance ng mga bayan sa lalawigan, mayroon nang 364, 424 na mga Aklanon mula sa target na 427, 665 ang nakatanggap ng kanilang first dose.

Ang nasabing bilang ng mga nabakunahan ay mula sa pinagsamang datos sa Municipal Vaccinatioaccinees.

Nangunguna ang bayan ng Malay sa may pinakamaraming numero ng vaccn Sites at sa mga vaccination site na itinalaga ng pamahalaan para sa adult at pediatric age vacinees na nakatanggap ng first dose na may kabuuang 42, 441 mula sa target nitong 39, 412 kung saan mayroon silang 107.7 na percentage performance.

Pumangalawa naman dito ang bayan ng Kalibo na may 60, 928 na mga naturukan ng COVID-19 vaccine mula sa target nitong 59, 969 o katumbas ng 101.6 percentage performance.

Samantala, nasa panghuli naman ang mga bayan ng Libacao na may 68.4 percentage performance at Buruanga na may 63.9 percentage performance.