Connect with us

Aklan News

MGA NAGBIBISEKLETA, LIMITADO LANG SA BAYAN KUNG SAAN SILA NAKATIRA

Published

on

Photo| Petix Akean

LIMITADO pa rin ang galaw ng mga pedal bikers o mga nagbibisekleta lalo na ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na ang Aklan.

Nakalatag sa Section 3 ng Executive Order No. 019 ni Governor Florencio Miraflores, na limitado lang ang mga pedal bikers at wellness activities sa bayan kung saan sila nakatira bukod sa mga nagbibisekleta papunta o pauwi ng kanilang trabaho.

“Pedal bikers for leisure and other wellness activities shall limit themselves within the municipality where they are residents except those that uses bicycles as their means of transportation in going to and coming from work or in their pursuit of trade and profession.”

Samantala, ang mga non-essential travelers ay kailangan kumuha muna ng travel pass sa munisipyo kung pupunta sa ibang bayan sa Aklan.

Kailangan din kumuha ng mga non-essential travelers ng Quarantine Pass sa kani-kanilang barangay bago payagan na makatawid sa border ng ibang barangay.