Aklan News
Mga nanalong Ati-Atihan tribe mula sa eastern at western side ng Aklan, maglalaban sa Grand Championship Ati-Atihan Award
Magkakaharap ang mga nanalong Ati-Atihan Tribe mula sa eastern at western side ng Aklan para sa grand championship Ati-Atihan Award ngayong araw sa Ibajay.
Ayon kay Aklan Second District Representative Teodorico Haresco, dalawang grupo ang maglalaban para makamit ang P100,000 na premyo para sa Grand Championship.
Samantala, hindi naman uuwing luhaan ang tribung matatalo dahil makakatanggap din ito ng P50,000.
Gagamitin umano ang premyong ito sa pang capital para sa susunod na Ati-Atihan Festival.
Pinuri rin ni Haresco ang Ati-Atihan sa Batan sa pamumuno ni Mayor Michael Ramos at sinabing ang pagsali at pagtulong sa paggawa ng uniporme ng mga tribu ang tunay na bayanihan.
”Ang nanalo sa east sa Batan, napakaganda. Ang ganda ganda ng ati-atihan sa Batan, congratulations kay Mayor Mike Ramos. Sa bawat isa, may 150 na participants at saka ang 150 na yun, parang ang hirap kasi 300 lang ang pamilya sa isang barangay. Kumbinsihin mo yung isang pamilya, 150 na pamilya na mag-contribute ng uniporme at tska kumbinsihin nyo na mag practice tapos kanya-kanyang pagkain, ayun ang bayanihan. Ayun ang tunay na bayanihan na medyo nawawala sa Pilipino,” saad niya sa press conference kahapon.
Idiniin din niya na ang importante sa Ati-Atihan ang sense of community at fellowship na sana ay hindi mawala.
“So ‘yung Ati-Atihan napakaimportante sa mga Aklanon na ang sense of community and fellowship, hindi mawawala, ayon sana ang hindi mawala.”
Dagdag pa niya, “Ang ati-Atihan is a message of love, a message of sacrifice na binigay ng Diyos ang kanyang anak para sa ating lahat.”