Connect with us

Aklan News

MGA NON-AKLANON NA MAGTUTUNGO SA BORACAY, MAAARING DUMAAN SA PRC LAB SA PASSI PARA SA SALIVA TEST

Published

on

Ngayong aprubado na ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang saliva test sa mga pupunta sa Boracay, maari nang dumaan sa PRC lab sa Passi City ang nga non-Aklanon tourist bago dumiretso sa isla.

Ayon kay Cyril Lequillo ang Red Cross Administrator ng Passi Laboratory, mayroon ng mga turista na dumaan doon kahapon na papunta sa Boracay Island.

Naglabas na rin kasi ng abiso kahapon ang Aklan government na tinatanggap na ang saliva test sa isla.

Kayang magproseso ng Passi lab ng hanggang 1000 specimens sa isang araw.

Maaari rin itong maglabas ng mas maagang resulta kapag nakaabot sa cut off na 12 noon.

Makikita ang Passi laboratory sa likod ng Cityhall partikular sa New town site, Brgy. Samblogon, Passi City.

Para sa iba pang katanungan o inquiries maaring tumawag sa Passi Laboratory hotline na 09398738379.