Aklan News
MGA PAARALAN NA KASAMA SA LIMITED F2F CLASSES, MADADAGDAGAN PA – DEPED AKLAN
POSITIBO ang Department of Education (DEPED) na madadagdagan pa ang bilang ng mga paaralan nalalahok sa limited face-to-face classes sa lalawigan Aklan.
Ayon kay Dr. Miguel Aposin, DepEd-Aklan School Division Superintendent, inaasahan nilang sa mga susunod na Linggo ay mas dadami pa ang mga lalahok sa face-to-face classes matapos itong payagan sa ilalim ng Alert Level 1 status.
Aniya, on-going ngayon ang validation sa mga paaralan na nag-a-apply upang makasali sa nasabing face-to-face implementation.
Sa ngayon ayon kay Aposin ay may walong paaralan na sa Aklan ang kasali dito.
Ito ay kinabibilangan ng Laserna Integrated School; Malinao School for Philippine Craftsmen; Banga Elementary School; Buruanga Elementary School; Dapdap Elementary School; Maloco Elementary School; Nabaoy Elementary School at Nabas Elementary School.
Samantala, kailangang fully vaccinated ang mga guro at estudyante na lalahok sa face-to-face classes ngunit may ilang excemption din dito ayon kaya Aposin depende sa kani-kanilang LGU.