Aklan News
Mga poste sa Aklan national highways, ipapainventory ng DPWH
Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways ng inventory sa mga posteng nakatayo sa kalsada dahil sa road widening.
Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Asst. Regional Director Engr. Jose Al Fruto ng DPWH-6 na ipinag-utos na nila sa lahat ng district engineers regionwide ang pagsasagawa ng inventory sa mga poste ng electric cooperatives at Telco companies na nasa kalsada.
Dahil sa gastos sa paglilipat ng mga poste, mayroon aniyang Memorandum Circular na pwedeng bayaran ng kagawaran ang gastos sa pagtransfer ng poste sa tamang lokasyon.
Sakop lang nito ang bayad sa pagtransfer at hindi na kasama ang upgrading at improvement.
“There’s a costing on that and is now being validated by the NEA (National Electrification Administration),” saad niya.
Sa kasalukuyan ay mayroon na silang mga ongoing contracts at nagbabayad na sila para sa pagtanggal ng mga poste na sagabal sa kalsada.
“Instructed already our district engineers to make the inventory of those road sections nga may mga poste pang nabilin at kung covered pa ini sang mga contracts sang mga electric cooperative o kun new na ini kay nagpaso na abi ang life sang MC so we are doing the inventory on that,” paliwanag pa ni Al Fruto.