Aklan News
Mga preso sa BJMP, binigyan ng libreng pagsasanay sa Abaca braiding at fabric manipulation
Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa compound ng Bureau of Jail Management and Penology kaugnay sa selebrasyon ng Kalibo Foundation Day.
Nagtulong-tulong ang LGU Kalibo, Department of Trade and Industry – Aklan at Aklan Fashion Designers Association (AFDA) para turuan ang mga bilanggo tungkol sa Abaca braiding at fabric manipulation.
Nagsilbing resource persons sina Villaflor Javier ng San Ramon Abaca Handicraft, Sherree Reynaldo, may-ari ng Designer Buttons and Things arts and Craft Shop at iba pang miyembro ng AFDA.
Nagbigay din ang LGU Kalibo ng dalawang sewing machines sa BJMP para mapanatili ang proyekto.
Ang aktibidad ay bilang pagsuporta ng akalde sa hanapbuhay at pagkakakitaan ng