Connect with us

Aklan News

Mga problema ng pabahay sa Briones, Kalibo ibinunyag ng kanilang punong barangay

Published

on

IBINUNYAG ni Hon. Raphael Briones, punong barangay ng Briones, Kalibo sa comnmittee hearing ng Aklan Sangguniang Panlalawigan na sa pagsisimula pa lamang umano ng distribusyon ng mga housing units ng National Housing Authority (NHA) ay malaki na ang kanyang problema.

Aniya may mga pagkakataon na may sinampahan na siya ng kaso dahil sa mga isyu gaya ng inabandonang unit, pina-rentahan at pinabayaan.

Mayroon din umanong mga housing unit na nilagyan lamang ng padlock at pinabayaan na.

“So far, from the beginning sa pag distribute ko mga unit ngara hay mabahoe eot-a ro akon nga problema hasta sa padayon nga padayon, nagabuhay nga nagabuhay hay naga-inabo eot-a ang problema. Hasta ngani nga may ginkasuhan eon ako dahil ro mga unit, may una nga gin-abandona, may naka-padlock ag ginpabay-an,” ani Briones.

Ang iba pa umano ay pinasok din ng mga magnanakaw kung saan ang mga nahuling suspek ay menor de edad.

Giit pa nito, “Ro problema nakon hay ro mga gina-abandona nga housing units. Ro iba hay iba ro naga-istar. May ginhusay eon ngani ako nga naga-renta imaw. Abo runa nga ro real owner hay bukon ta it imaw ro naga-istar.”

Binigyan-diin ni Briones na batay sa kanyang obserbasyon, ang mga housing units ay hindi ibinigay sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.

Dagdag pa niya na ang criteria ay pabago-bago.

Gumawa na din umano siya ng resolusyon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo subalit wala din aniyang nangyari./SM