Aklan News
Mga progresibong grupo sa Aklan, nagsagawa ng kilos-protesta kasunod ng National Human Rights Consciousness Week
Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t-ibang progresibong grupo sa Kalibo Pastrana Park kasabay ng paggunita ng National Human Rights Consciousness Week.
Pinangunahan ni Kim Tugna, Chairman ng Bayan Aklan ang nasabing kilos protesta kasama ang grupong Gabriela, Pamalakaya, Bayan Muna at Kabataan Partylist.
Tinukoy nila ang iba’t-ibang sektor na dapat umanong pagtuunan ng pansin ng gobyerno tulad ng libreng edukasyon sa mga kabataan, pag phase-out ng mga PUV Jeepneys, pagbibigay ng pabahay at sektor ng agrikuktura
Nanawagan din ang mga nasabing grupo na dapat na i-abolish ang NTF-ELCAC na nag re-red tag sa kanila at nagbibigay ng takot sa mga mamamayan.
Samantala, habang naghanda rin ang APPO DM group sa pangunguna ni Pmaj. Willian Aguirre para magbantay sa kung ano man ang posibleng mangyari habang may kilos protesta.