Connect with us

Aklan News

Mga residente na nastranded sa ibang bayan, pwede ng makauwi; mga negosyante na kukuha ng produkto sa ibang probinsya, isasailalim sa 14 day quarantine pagbalik sa Aklan

Published

on

Ipinahayag ni Gov. Florencio Miraflores na pwede ng makauwi anumang oras simula ngayong araw ang mga residente na nastranded sa ibang bayan.

Ganon din na pwede na ring makalabas ang mga tao at pumunta sa ibang bayan sakop ng Aklan province basta ipakita Pa rin ang quarantine pass mula sa kanilang brgy o munisipyo base na rin sa guidelines sa mga lugar na sa ilalim ng general community quarantine.

Samantala, pinapayagan naman umano na pumunta ng ibang probinsya ang mga negosyante kung saan nila kinukuha ang kanilang suplay subalit kailangan umano nilang isailalim sa 14-day quarantine pagbalik sa Aklan. Kaya payo ng gobernador na mas mabuti na ipadeliver na lamang umano ang mga produkto na galing sa ibang probinsya dahil meron naman umanong guidelines ang IATF hinggil sa pagbyahe o pag deliver ng mga produktong pagkain.

Sa usapin namang pasahe sa mga pampulikong sasakyan, sinabi ng gobernador na mananatili ang pasahe sa kung ano ang nakalagay sa fare matrix.

Ito ay sa Kabila ng pagpayag na makabyahe na ang mga tricycle sa Kalibo at pinapayagan lamang na magsakay ng 2 pasahero.

Dagdag Pa ng gobernador, pwedeng ireklamo sa munisipyo ang mga driver na maniningil ng dagdag na pamasahe.