Connect with us

Aklan News

MGA RETURNING AKLANONS MULA SA NCR PLUS BUBBLE, MAKAKAUWI NA SA AKLAN

Published

on

AKLANON TRAVELERS

Pwede nang umuwi sa Aklan ang mga travelers mula sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) at General Community Quarantine Areas kabilang ang mga nasa NCR plus bubbles basta’t kumpleto ang kanilang dokumento na required sa Executive Order No. 005-C.

Batay sa EO No. 005 ni Governor Miraflores, kailangan maipakita ng mga travelers ang negative RT-PCR test result na kinuha na may 72 hrs validity.

Bukod pa rito kailangan din ng notice of coordination/acceptance mula sa kanilang LGU na uuwian at QR code na makukuha sa https://www.touristboracay.com/.

Para makakuha ng QR code, kailangan lang sagutan ang mga forms at isubmit pagkatapos ay iscreenshot ang Online Health Declaration Card (OHDC).

Pagkatapos nito ay kailangan ipasa ang mga sumusunod sa [email protected].
A. If a returning Aklanon, Notice of coordination from municipality of destination
B. Screenshot of OHDC
C. Philippine Government issued ID
D. Negative RT-PCR test result with date of extraction 3 days to date of travel
E. Travel details
F. Copy of pending S-PASS TCP Application

Ang mga ‘multiple travel documents’ ay maaring ipasa sa iisang email basta isama lang ang listahan ng mga pangalan.

Kung maaari ay dapat ipasa ang mga dokumento 12 oras bago ang biyahe pa Aklan para maiwasan ang pagkaantala.