Connect with us

Aklan News

MGA SENIOR CITIZEN SA KALIBO, HINDI PA NAKAKATANGGAP NG SOCIAL PENSION; SB TOLENTINO, BALAK MAGHAIN NG RESOLUTION

Published

on

Photo| catbalogan.gov.ph

Balak maghain ng pormal na resolusyon ni Sangguniang Bayan member Augusto “Gus” Tolentino upang mai-release na ang social pension ng mga senior citizen sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Tolentino, bilang chairman ng mga senior citizen sa sangguniang bayan, nais niyang mabigyang tugon ang mga tanong kung kailan matatanggap ng mga pensioner ang kanilang social pension.

“akon ngane nga ubrahan ra it pormal nga resolution giato o sueat ay owa ta gihapon maabot.”

Dagdag pa ni SB Tolentino na umaapela rin siya sa hanay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Aklan na kung maari ay mabigyang sagot ang kanilang katanungan kung bakit may mga bayan na sa Aklan ang nabigyan na at ang Kalibo ay wala pa.

Sa ngayon balak nalang ni Tolentino na sumulat na lamang sa DSWD national office upang matuldukan na ang matagal nang paghihintay ng mga miyembro ng senior citizen.