Connect with us

Aklan News

MGA ‘SPAGHETTI WIRES’ NG TELCO’s AT CABLE COMPANIES SA POSTE NG AKELCO, AAYUSIN NA

Published

on

Aayusin na umano ng mga telephone at cable companies ang kani-kanilang ‘spaghetti wires’ na nakakabit sa poste ng AKELCO o Aklan Electric Cooperative.

Ito ang commitment ng mga nasabing utility provider sa AKELCO nang ipatawag sila ng nasabing kooperatiba para mapangalagaan ang seguridad ng mga member consumer owners o MCO’s, at ng publiko, maiwasan ang service interruption, at hindi maging ‘eye sore’ ang mga poste.

Maliban dito, sinabi din ni AKELCO Board of Director Atty. Ariel Gepty na lubhang mapanganib at abala para sa kanilang mga line man ang mga ‘spaghetti wires’ lalo na kapag may power interruptions at kailangang ibalik ang suplay ng kuryente.

Samantala, nagkasundo naman ang AKELCO at ang mga nasabing utility providers na gumawa ng ‘group chat’ para sama-sama nilang pag-usapan ang schedule at mga susunod pang hakbang para sa nasabing proyekto, lalo pa’t kailangan din muna nilang
maglabas ng abiso o paanunsyo para sa kani-kanilang mga subscribers.

Nabatid na uunahing aksyunan ang mga ‘spaghetti wires’ sa bayan ng Kalibo na target namang matapos sa December 31, 2021 at isusunod naman ang sa mga karatig-bayan.