Connect with us

Aklan News

Mga stallholders, hindi pabor sa planong development ng Kalibo Shopping Center

Published

on

Hindi pabor ang mga stallholders sa planong development ng Kalibo Shopping Center.

Ito ay kasunod ng balitang unsolicited proposal ng Victory Mall sa LGU Kalibo na tutulong sila na i-develop ang nasabing shopping center sa Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Mr. Jun Beltran ng Stall Holders & Vendors Association, hindi naman sa pinipigilan nila ang development ng Kalibo kundi nais niya lamang maprotektahan ang katulad niyang mga maliliit na negosyante.

Aniya, kapag naging isang mall na ang Kalibo Shopping Center, hindi na makakayanan ng mga katulad niyang maliit na negosyante ang renta per square meter.

Mas maganda ayon kay Beltran kung mapapanati o maprereba ang anyo ng Kalibo Shopping Center.

“Once abi nga mag-mall ra hay indi sanda kasarang mag per square meter ra. Raya abi nga shopping mall, raya abi ro pinaka-heart… pinaka-sentrong shopping mall nga naka-ugdok iya sa Aklan ag gusto namon, naton ma-preserve dayang Kalibo Shopping Center,” saad nito.

Dagdag pa nito na maaring magtayo na lamang ang lokal na pamahalaan ng Kalibo ng mall sa ibang lugar.

Giit ni Beltran, masyado ng masikip ang bayan ng Kalibo kung kaya’t mas magandang pagkakataon naman ito sa ibang barangay na magkaroon ng development sa kanilang lugar.

“Ro Kalibo Shopping Center ngara, owa mat-a kami ga-kwan kara dahil may budget mat-a kara si Mayor kuno nga ipa-repair, bukon it i-demolish ag bayluhan it bag-ong mall. Hambae ko ngani, indi kita mag-demolish it sambato nga shopping center, kundi gapa-abo kita. Dugangan naton it mall, atleast sa ibang lugar agod magatawhay man iya sa Kalibo.