Aklan News
Mga sundalo at grupo ng CPP-NPA, nagbakbakan sa Manika, Libacao
Nagkasagupa ang tropa ng militar at grupo ng mga CPP-NPA Terrorists (CNTs) sa Sitio Itabag, Brgy. Manika, Libacao, Aklan nitong Miyerkules, Hunyo 7 ng tanghali.
Nagsasagawa ng operasyon sa lugar ang Scout Platoon (-), 12IB sa pangunguna ni 2LT James Calvin M Galvez nang makaengkwentro nila ang mga terorista.
Tumagal ng 25 minuto ang bakbakan ng mga sundalo laban sa may nasa 20 mga miyembro ng CPP-NPA na kalaunan ay umatras patungo sa direksyon ng Hilagang Kanluran.
Nasabat ng mga sundalo ang dalawang M16 Rifles, isang Rifle Grenade, 2 Improvised Explosive Device, 2 magazine ng M16 Rifle, 6 magazine ng AK47 Rifle, 4 NPA Flags, mga dokumento at cellphones.
Walang naiulat na sugatan sa panig ng gobyerno.
Samantala, ilang bakas ng dugo ang nakita ng mga sundalo sa rutang dinaanan ng mga nakaengkwentro kaya posibleng may nasugatan sa mga nasabing rebelde. /MAS