Aklan News
MGA SUSPEK SA ILEGAL NA SABONG SA BALETE, NAGPULASAN NANG RUMESPONDE ANG KAPULISAN
Balete – Natigil ang pagsasabong ng ilang kalalakihan sa Sitio Awayon, Morales, Balete nang big lang dumating ang mga pulis alas 12:30 kaninang tanghali.
Base sa report ng Balete PNP, natunugan nila ang nagaganap na ilegal na sabong kaya agad nilang pinuntahan ang lugar.
Naaktuhan umano nila na nagsasabong ang aabot sa 10 katao subalit nang magpakilala silang mga miyembro ng kapulisan ay agad umanong nagsitakbuhan ang mga nagsasabong.
Dahil dito, wala ni isang nahuli ang mga rumesponde.
Kinumpiska naman ng Balete PNP ang tatlong manok na panabong at dalawang tari na umano’y naiwan ng mga nagtakbuhang mga sabungero.
Samantala, kaagad na nagsagawa ng follow up investigation ang Balete PNP kung saan positibong nakilala ang 5 sa kanila subali’t hindi na muna pinangalan ng Balete PNP.
Nakatakda namang sampahan ng kaso ang mga ito sa pamamagitan ng regular filling sa darating na araw ng Lunes.
Paalala naman ng Balete PNP, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang anumang uri ng ilegal na sugal tulad ng sabong.Naunsyami ang ilegal na sabong ng ilang kalalakihan sa Sitio Awayon, Morales, Balete matapos matunugan ng mga pulis alas 12:30 kaninang tanghali.
Base sa ulat ng Balete PNP, kaagad nilang pinuntahan ang lugar kung saan naaktuhan umano nila ang nasa 10 kataong nagsasabong doon.
Subali’t kaagad umanong nagsitakbuhan ang mga ito nang magpakilala ang mga operatiba kung kaya’t wala ni isang nahuli sa kanila.
Sa kabila nito, narekober naman ang 3 manok panabong at 2 tari sa lugar na naiwan ng mga suspek.
Samantala agad nagsagawa ng follow up investigation ang Balete PNP kung saan positibong nakilala ang 5 sa kanila kung saan hindi na muna pinangalanan ng Balete PNP.
Nakatakda namang sampahan ng kaso ang mga ito sa pamamagitan ng regular filing sa darating na Lunes.
Paalala naman ng Balete PNP na mahigpit paring ipinagbabawal ang anumang uri ng ilegal na sugal, lalo na ang ilegal na sabong.