Connect with us

Aklan News

MGA TAGA BORACAY, PWEDE NG MALIGO SA DAGAT SA JUNE 1

Published

on

Image|Christopher D. Mendoza

DAPAT payagan nang maligo sa baybayin ng Boracay ang mga residente ng isla mula sa June 1.

Ayon kay Atty. Selwyn Ibarreta, Chairman ng Technical Working Group, maliwanag sa Omnibus Guidelines ng National Inter Agency Task Force na pinahihintulutan na ang SWIMMING sa mga lugar na sa ilalim ng Modified general Community Quarantine basta siguraduhin lang ang Physical Distancing.

Ngunit ayon kay Ibarreta, kailangan pa ring maglabas ng Executive Order ukol dito ang Malay IATF o si Mayor Frolibar Bautusta.

Nilinaw ni Ibarreta na nagpupulong na sila ngayon ng Malay IATF dahil pinaplantsa na nila ang mga polisiya at protocol na ipatutupad sa pagpasok at paglabas sa isla ng mga Aklanon.

Posibleng mga Malaynon lang muna ang kanilang papayagang makapamasyal sa isla dahil kailangan pa nilang magsagawa ng dry run.

Kailangan ding ihanda ang mga surveilance team na magsasagawa ng contact tracing kung sakaling may magpakita ng sintoma ng Covid 19.

Bilang karagdagang paghahanda ay pupulungin pa nila at ng DOT ang mga accomodation establishment operatorsbat sisiguraduhing masusunod ang protocols na inaprobahan ng Department of Tourism.

Kapag handa na ay unti-unti nilang papayagang makapasok sa isla ang mga mainland Aklanon lang muna.