Aklan News
MGA TALIPAPA SA BAYAN NG KALIBO KAILANGAN NANG I-REGULATE
Kailangan nang i-regulate ang mga talipapa sa bayan ng Kalibo na parang kabute na nagsulputan dahil sa pandemya.
Ayon kay Pook Punong Barangay at ABC President Ronald Marte ito ay upang mamonitor, mabigyan ng lugar, masiguro ang sanitasyon ng mga talipapa gayundin ang magiging kaligtasan ng mga mamimili.
Napansin umano nila na ang mga talipapa ay nasa gilid ng kalsada at karamihan ay inuukupa na ng kanilang mga mamimili ang kalsada kung saan dapat silang magkaroon ng setback ng mahigit 2 metro.
Layunin din nitong maprotektahan ang mga mamimili o consumers dahil kung minsan aniya kung marami ang bumibili may mga pagkakataong lumalagpas na sila sa sidewalk.
Ang isa pang salik kung bakit kailangan na itong maayos ay dahil ang mga naturang talipapa ay walang mga palikuran.
Pahayag pa ni SB Marte na dapat ang isang talipapa ay sumusunod sa
Magugunitang dumami ang mga talipapa sa mga barangay noong kasagsagan ng pandemya kung saan naging madali para sa mga taga-barangay ang makabili ng kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.
Samantala, ipinahayag ni Marte na ang mga barangay ang dapat tumukoy kung saan dapat magtayo ng talipapa sa kanilang lugar.
Binigyan-diin nito na hindi nila pinagbabawalan ang pagkakaroon ng talipapa kundi gusto lamang nila itong ma-regulate nang sa gayon ay makinabang ang lahat.