Aklan News
MGA TANGGAPAN AT NEGOSYO, PINAPAYAGANG MAGBUKAS MULA 6AM HANGGANG 4PM LAMANG
Alinsunod sa Executive Order 20 na inilabas ni Governor Florencio T. Miraflores, pinapayagan lamang ang mga tanggapan at negosyo na magbukas mula alas-6 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon lamang, maliban sa mga sumusunod:
1. Pribado at pampublikong ospital
2. Botika
3. Health emergency and frontline services, kabilang ang mga tanggapang nagbibigay ng serbisyong medikal tulad ng mga dialysis centers, chemotherapy centers, HMOs, health insurance providers, disaster risk reduction management officers, public safety officers, at iba pang kahalintulad na serbisyo.
4. Media establishments at ang mga tauhan nito kabilang ang mga reporters at field employees.
5. Punerarya; at
6. Security personnel na lisensyado ng PNP-Supervisory Office for Security and InvestigationAgencies.
Kaugnay nito, pinapayagan naman amg mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang mga government-owned or controlled corporation, na magbukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, maliban sa mga sumusunod:
1. PNP
2. PNP-HPG
3. BFP
4. AFP
5. PCG
6. PDEA
7. NBI
8. BI; at iba pang may kahalintulad na tungkulin
Samantala, ang mga pampublikong sasakyan naman ay pinapayagang pumasada mula alas-5 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi lamang, maliban sa mga sumusunod:
1. Pampublikong sasakyan na gamit sa emergency cases; at
2. Mga bus na sakay ng Ro-Ro (Roll On-Roll Off vessel) at dadaan ng probinsya ng Aklan
Epektibo na ang kautusang ito at tatakbo hanggang Agosto 15, 2021. May kaukulang parusa rin para sa sinumang lalabag nito.