Connect with us

Aklan News

Mga tax payer sa bayan ng Kalibo, maaari ng magbayad online

Published

on

MAAARI ng makapagbayad online ang mga tax payer sa bayan ng Kalibo.

Ito ay sa pamamagitan ng Link.BizPortal na inilunsad ng LGU Kalibo at Landbank of the Philippines.

Ang naturang hakbang ng lokal na pamahalaan ay upang matulungan ang mga tax payers na mas mapadali ang pagbabayad nila ng buwis.

Sa mga tax payers na nais gamitin ang digital platform sa kanilang pagbabayad, magpadala muna ng Email Request sa [email protected] para makakuha ng Statement Of Account (SOA).

Kapag mayroon ng SOA, magtungo sa www.landbank.com at i-click ang Landbank Link.BizPortal.

Piliin ang Municipality of Kalibo bilang Merchant at i-click ang Business Permit & Licensing Fee/Rental/RPT bilang Transaction Type.

Pagkatapos ay pumili na ng paraan ng pagbabayad o Payment Gateway Option at ilagay na ang mga kailangang detalye at i-print na ang Payment Confirmation.

Ang mga Payment Gateway Options ay Landbank ATM and Debit Accounts, Union Bank, RCBC, Robinsons Bank Account via Paygate, Cash Payments via partner Collection Outlets.

Samantala, asahan naman na magiging available na rin sa mga susunod na araw ang Participating Bancnet Members Bank./SM