Connect with us

Aklan News

Mga tour coordinator sa Boracay, sumailalim sa 4 araw na seminar para mas mahasa ang kanilang kakayahan

Published

on

PHOTOS: Malay municipal Tourism Office/facebook

Nagsagawa ng apat na araw na seminar para sa mga tour coordinator sa Boracay ang Malay Municipal Tourism Office.

Ayon kay Mayor Frolibar Bautista, layon ng aktibidad na makalikha ng mga tapat, presentable at magagaling na tourism frontliners para sa sikat na Boracay Island.

Pinag-usapan sa seminar ang updates sa turismo kabilang ang status ng tourist arrivals, top 10 foreign at domestic markets ng Boracay, DOT-accredited accommodation establishments, updated flight schedules, update sa vaccination program at ang responsibilidad ng mga tour coordinators sa Malay tourism sector.

Tinalakay din ni Tourism Operations Officer II Nelia Gumboc ang tourism recovery plan na maghahanda sa mga kalahok sa anumang sirkumstansya na posibleng kaharapin ng industriya sa hinaharap lalo pat nakadepende ang isla sa turismo.

Tinuruan rin ang mga dumalo ng epektibong guest handling customer service at marami pang iba gaya ng professionalism, optimism, proper grooming, body language at maging ang tono ng boses sa harap ng mga bisita.

Isa ang Boracay sa mga pinakasikat na isla sa buong mundo kaya inaasahan ang mataas na standard ng serbisyo mula sa mga tour coordinators na nagsisilbing tourism frontliners dito.

Ginanap ang apat na araw na seminar sa Belmont Hotel-Boracay mula Agosto 24 hanggang 25, 2022 at Hue Hotel-Boracay noong Agosto 29 hanggang 30.