Connect with us

Aklan News

MGA TRIBAL GROUP NA SASALI SA ATI-ATIHAN 2022, DAPAT VACCINATED

Published

on

Dapat bakunado laban sa COVID-19 ang mga grupong nais sumali sa 2022 Ati-atihan Festival.

Ito ay isa sa mga dapat paghandaan na mga sasaling grupo ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica.

Pahayag ng alkalde na sa ngayon ay hindi pa nila masasabi kung ano ang mga posibleng aktibidades pero pinaghahanda lamang niya ang mga ito.

Maaari aniyang walang street dancing na magaganap pero plano nilang magkaroon ng ilang tribal groups na magpe-perform sa loob Kalibo Cathedral lamang.

Paglilinaw ni Lachica limitado lamang ang papayagang numero ng mga miyembro ng tribung sasali.

Dagdag pa ng alkalde na walang aktwal na “sadsad sa kalye” dahil iniiwasan nila ang pagdagsa ng mga tao na sabik na rin sa nasabing aktibidad.

Nais lamang umano ng pamahalaang lokal na masiguro na nasusunod ang minimum health protocol na ipanapatupad ng National IATF.

Samantala, ang taunang Mutya ng Kalibo Ati-atihan ay balak nilang gawing one time event na lamang na gaganapin sa Kalibo Magsaysay Park.

Sa pamamagitan umano nito ay malilimitahan din nila ang bulto ng mga tao base na rin sa guidelines ng IATF.

Sa kabilang banda, nais rin ng lokal na pamahalaan na buhayin ang ibang negosyo sa bayan ng Kalibo na natigil dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.