Aklan News
MGA TURISTA MULA SA BORACAY, PWEDE NANG MAG SIDETRIP SA MAINLAND MALAY KAHIT WALANG RT-PCR TEST


Pinapayagan na ngayon na mag sidetrip sa mainland Malay ang mga turista sa Boracay.
Ito ay nakabatay sa Executive Order No 01-B, Series of 2022 ng LGU Malay kahapon, Pebrero 22.
Base sa EO maaari nang makapasyal sa mainland Malay ang mga turista kahit walang RT-PCR test results.
Kailangan lang nila na pumirma ng health declaration form sa Municipal Tourism Office at magpakita ng vaccination card o anumang patunay na sila ay bakunado laban sa COVID-19.
Simula Pebrero 1 hanggang Pebrero 20, may kabuuang 47, 908 na mga turistang bumisita sa Boracay at 163 sa mga ito ay mga dayuhan.
Continue Reading