Connect with us

Aklan News

MGA TURISTA MULA SA NCR PLUS, BAWAL ULIT BUMISITA SA BORACAY

Published

on

NCR Plus Tourist not allowed

Pansamantala munang ititigil ng Boracay ang pagtanggap ng mga turista mula sa “NCR Plus” o Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal.

Batay sa anunsyo ng Malay Tourism Office sa kanilang Official Facebook Page, hindi muna papayagang makapasok o makabisita ang mga turista mula sa mga apektadong lugar hanggang Agosto 20, 2021.

Suspendido na ang mga flights para sa mga “leisure travels” dahil sa pagtaas ng mga quarantine classification sa NCR na isasailalim sa General Community Quarantine with Heightened Restrictions (GCQ-HR) sa July 30-August 5, 2021 at dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula August 6 hanggang August 20, 2021.

Sa kabila nito, maari pa namang makauwi ang mga turistang kasalukuyang nasa isla dahil mayroon namang flight pauwi.

Ang mga naka-check-in sa hotels para sa staycation ay pwede pang manatili at tapusin ang kanilang bakasyon hanggang sa huling araw ng kanilang original booking.

“Those who are already checked-in for staycation in staycation hotels as of 29 July 2021, however, may continue their stay until the last day of their original booking,” batay sa Department of Tourism (DOT) VI.

Maaalalang kahapon (July 30), inanunsyo ng gobyerno ang bagong travel restriction papunta at palabas sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan.