Aklan News
MGA TURISTANG MANGGAGALING SA MGA LUGAR NA MAY COVID19, IKA-QUARANTINE SA BORACAY
Malay, Aklan – “MAS MABUTI PANG HUWAG NA MUNA KAYONG MAGPUNTA SA BORACAY”.
Ito ang panawagan ng Malay Anti Covid 19 Task Force sa mga taong nagpaplanong magtungo sa Boracay mula ngayong araw kasunod ng Executive Order na inilabas ni Malay Acting Mayor Fromy Baustista.
Ayon kay Madel Joy Tayco, spokesperson ng Task Force, papayagan naman nilang makapasok sa isla ang mga turistang manggagaling sa Metro Manila, Pampangga, Bulacan, Batanggas, Negros Oriental at Cagayan de Oro kung mamimilit talagang pumasok.
Pero isasailalim nila ang mga ito sa mandatory 14 days Quarantine sa loob ng kwarto sa kanilang hotel sa sarili nilang gastos at hindi papayagang makaalis.
Ganito rin ang gagawin sa mga foreign tourists dahil halos lahat ng bansa ay may mga covid19 cases na.
Kaya kung ayaw nilang pagdaanan ito ay mas mabuti pang icancel muna nila ang pagtungo sa isla.
Samantala, ang mga turistang galing sa mga lugar na walang positibo sa Covid 19 pero kapag nagpatupad na ng Provincial Quarantine sa Aklan ay hindi na sila makakapasok.
Ang papayagan lang na makapasok sa isla ay ang mga Aklanon.
Ang mga Malaynon naman na uuwi mula sa mga lugar na may Covid 19 at isasailalim sa mandatory 14 days home quarantine.
Sa ngayon ay Covid 19 FREE ang isla ng Boracay.