Aklan News
MGA WALANG INTERNET CONNECTION MAAARING MAG-APPLY NG LOAN CONDONATION PROGRAM SA OPISINA NG SSS-AKLAN
HINIMOK ni Social Security System (SSS) Aklan branch head Rene Moises Gonzales ang mga miyembro nito na walang internet connection na magtungo nalang sa kanilang opisina upang makapag-apply sa kanilang loan condonation.
Aminado si Gonazales na kaunti pa lamang ang mga nakapag-apply sa nasabing programa dahil mahirap ma-access ang kanilang website.
Aniya ito ay dahil sa mabagal na internet service dito sa lalawigan ng Aklan.
Suhestiyon ni Gonzales sa mga SSS member na nais ma-avail ang nasabing programa na kung maaari ay i-access ang kanilang website sa mga oras na wala nang masyadong gumagamit tulad ng hatinggabi o madaling araw.
Dagdag pa nito na ito’y isang magandang pagkakataon para sa mga miyembro na hindi pa nakapagbayad ng balanse sa kanilang mga loans.
Saad pa nito na layunin ng SSS condonation program na maibsan ang kahirapan ng kanilang mga miyembro lalo na ang mga nawalan ng trabahop dahil sa pandemya.
Sa ilalim ng condonation program, hindi na kailangan ng SSS member na bayaran ang penalty ng kanilang loans at tanging ang principal amount at interest lamang ang kailangang bayaran.
Nagsimula ang nasabing programa ng SSS noong Nobyembre ng nakaraang taon at magtatapos sa Pebrero-14.