Connect with us

Aklan News

MILYONG HALAGA NG MGA ALAHAS NINAKAW SA ANAK NG DATING GOBERNADOR.

Published

on

Lungsod ng Roxas – Bahay ng anak ni dating Capiz governor Antonio del Rosario ay nilooban kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Suzanne Del Rosario Ignacio, anak ng dating gobernador ng Capiz.

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, natangay ng mga suspek ang isang safe box na naglalaman ng mga gintong hikaw, pulseras, at singsing na may diamante na nagkakahalga ng humigit kumulang isang milyong piso (P1,000,000.00), isang set ng Rolex watches na gawa sa stainless steel (ang isa nito ay blue faced at ang isa naman ay green faced) na nagkahalaga ng humigit kumulang isang milyon at dalawang daang piso (P1,200,000.00), isang set ng Seiko watches collection na nakalagay sa isang watch winder na nagkahalagang umabot sa tatlong daang libong piso (P300,000.00),  bank check books, mga wallet, at branded Halo bag.

Napag-alamang mula sa biktima,  nang umuwi ito napansin niyang bukas ang harapang pintuan at nakasindi ang ilaw sa loob. Nang pumasok ito, napansin niyang nagkalat ang mga bagay sa loob ng bahay.

Napagtanto ng mga imbestigador na may mga stay in na empleyado ang biktima na sina Ronniel Beldia, at Uiomar Marcelo ngunit nakatira sa kanilang barracks na may kalayuan sa bahay ng biktima at mga katulong na sina Jennelyn Castilloat Sushmita Rebete na nakatira sa isang kwarto sa likod ng bahay ngunit lahat sila walang napansin o namukhaang suspek.

Dagdag pa, merong sabong sa sabungang malapit sa bahay ng biktima habang isinagawa ang panloloob ng mga suspek.