Connect with us

Aklan News

MINI ELF NA MAY KARGANG KRUDO, NAHARANG SA CHECKPOINT, DRIVER ARESTADO

Published

on

Nabas, Aklan – Sasampahan ngayong araw ng kasong pag labag sa PD 1865 o Illegal Transporting/Trading of Petroleum Products ang driver na nahuling may kargang krudo matapos itong dumaan sa border checkpoint sa Brgy. Pinatuad Nabas.

Nakilala ang naarestong driver na Si Venancio Balestramon, 44, anyos residente ng Brgy. Centro Poblacion, Culasi, Antique.

Basi sa report ng Nabas PNP na dumaan umano sa border checkpoint ang minamanehong elf ng suspek ng parahan Ito ni PSSGt Lowell Torda ng Nabas PNP.

Wala umanong maipakitang permit ang driver sa Karga nitong mahigit 100 container na may lamang krudo kaya agad itong inaresto.

Base kay PCpl. Andro Andrade ng Nabas PNP, binili ng suspek ang mga krudo sa isang gasolinahan sa Nabas at dadalhin sa Antique.

Tinatayang umaabot sa 2,140 litro ng krudo ang karga nito sa kanyang sasakyan na may estimated value na 84,209 pesos.

Matapos ang isinagawang inventory ay kaagad dinala sa Nabas PNP ang nasabing suspek.