Connect with us

Aklan News

MISIS, SINUNOG ANG MOTORSIKLO NI MISTER NANG MABUKING NA MAY KA VIDEO CHAT NA LALAKI

Published

on

Kalaboso ang inabot ng isang 34 anyos na misis matapos sunugin ang motorsiklo ni mister, nang mabuking umano siya nito na may ka video chat na lalaki.

Nangyari ang insidente bandang alas 11:30 kagabi sa Andagao, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng pulis, kinumpronta umano ni mister si misis nang maabutan niya itong may ka video chat sa kanyang cellphone.

Subali’t itinanggi umano ito ni misis at iginiit na nagti-Tik Tok lamang siya,dahilan ng kanilang pagtatalo.

Kasunod nito, kumuha umano ng martilyo si misis at pinaghahampas ang tangke, headlight, speed meter at iba pang parte ng motorsiklo ni mister.

Hindi pa umano ito nakuntento at binuksan ang tangke ng motorsiklo, at sinindihan, pati na ang upuan nito.

Kaagad namang tumawag sa Kalibo PNP Station ang mga tanod ng Barangay Andagao kung kaya’t naaresto ang misis.

Pansamantala siyang ikinostodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang misis sa insidente.