Aklan News
Mister, hinampas ng kahoy ng umano’y kabit ng kaniyang misis


Hinampas ng dos-por-dos ang isang mister ng umano’y kabit ng kaniyang misis habang ito’y kumakain sa kanilang boarding house sa Andagao Kalibo, bandang alas-9:00 ng gabi nitong Lunes, Abril 14.
Ang lalaking hindi na pinangalanan ng pulisya ay edad 51-anyos, tubong Balete pero kasalukuyang nakatira sa Brgy. Guadalupe, Libacao.
Samantala, ang nanghampas sa kaniya ay dalawang lalaking sa legal na edad at parehong residente ng Guanco, Balete kung saan sinasabing isa umano rito ay kabit ng misis.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP, habang naghahapunan ang naturang mister sa boarding house ng kaniyang misis ay pinuntahan siya ng dalawang lalaki at walang anu-ano’y hinampas ng dos-por-dos saka agad na tumakas.
Samantala, minabuti naman nitong ipa-record ang nangyari sa Kalibo Municipal Police Station na kalauna’y ini-refer din sa Barangay Justice System para sa karampatang disposisyon.l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading