Connect with us

Aklan News

Mister naaksidente sa motor patay

Published

on

Patay ang isang mister habang ginagamot sa isang ospital sa Iloilo matapos maaksidente sa minamanehong motor alas-7 noong nakaraang gabi sa Brgy. Jugas, New Washington.

Kinilala ang biktima na si Jomarie Brilio, 34 anyos ng Jugas, New Washington.

Napag-alaman na pauwi na sana ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo kasama ang kanyang labing isang taong gulang na anak ngunit pagdating sa nasabing lugar ay aksidente itong nawalan ng kontrol hanggang sila ay maaksidente.

Nagtamo ito ng sugat sa kanyang ulo at iba pang parti ng katawan.

Agad na dinala ito sa isang pribadong Hospital sa Kalibo ngunit minabuting dalhin sa isang ospital sa Iloilo at doon na binawian ng buhay.