Connect with us

Aklan News

Mister, sinakal ang magungang; Misis nitong umawat, itinulak pa

Published

on

NAGPASAKLOLO sa mga otoridad ang isang misis matapos na manakit ng kaniyang mister kagabi sa Brgy. Pook, Kalibo.

Batay sa report, nag-inuman umano sa kanilang bahay ang mister kasama ang kaniyang mga kaibigan nang magkasugatan sila ng kaniyang manugang.

Sa init ng ulo at bunsod na rin ng tama ng alak ay itinulak umano nito papasok ng kwarto ang kaniyang manugang at saka sinakal.

Dali-dali namang inawat ng misis ang kaniyang mister ngunit maging siya ay naitulak pa dahilan ng kaniyang pagkatumba.

Dahil dito, humingi ng tulong sa mga kapulisan ang misis at pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo Municipal Police Station ang mister nito para hindi na manggulo pa.

Samantala, ini-refer naman ang insidente sa Barangay Justice System.