Connect with us

Aklan News

Mixer truck na nawalan ng kontrol, tumagilid sa Batan

Published

on

‎TUMAGILID ang isang mixer truck matapos na umano’y mawalan ng kontrol sa bahagi ng Sitio Himbis, Brgy. Lalab, Batan, bandang alas-10:45 ng umaga nitong Martes, Abril 22.
‎Sa imbestigasyon ng Batan PNP, mula ang truck sa bahagi ng Cabugao at papuntang Lalab, Batan.
‎Ngunit pagdating sa nasabing lugar ay nawalan ito ng kontrol dahilan para ito’y tumagilid.
‎Nagtamo ng galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang drayber at tatlong pahinante nito na agad namang binigyan ng first aid ng mga rumespondeng miyembro ng MDRRMO-Batan.
‎Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Batan Municipal Police Station kaugnay ng nangyaring aksidente.l Ulat ni Arvin Rompe