Connect with us

Aklan News

Miyembro ng LGBTQIA+ kulong matapos hindi magbayad sa inarkilang traysikel 

Published

on

HIMAS REHAS ang isang myembro ng LGBTQIA+ matapos na hindi magbayad sa inarkilang traysikel sa bayan ng Kalibo nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang nasabing miyembro ng LGBTQIA+ na si Marvin Santiago, residente ng barangay Andagao, Kalibo.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo sa traysikel drayber na si Alvin Reyes, ikinuwento nito na pasado alas-3 kaninang hapon ng parahin siya ni Santiago at inarkila patungong Aliputos, Numancia sa halagang P200.

Pagdating umano nila ng Numancia ay humiling pa si Santiago na hintayin siya ng 30 minuto.

Pumayag naman si Reyes dahil nangako si Santiago na dadagdagan nito ng P300 ang kanyang bayad pagbalik sa bayan ng Kalibo.

Ngunit, inabot na umano sila ng alas-8:00 ng gabi kaya nagtaka na ang driver kung ano ang balak ni Santiago.

Dahil dito, minabuti niya na lamang na ideretso sa Kalibo PNP station si Santiago at inireklamo.

Samantala, inamin naman ni Santiago na wala siyang pambayad kay Reyes.

Sa ngayon ay pansamantalang nakakulong sa lock-up cell ng Kalibo PNP si Santiago para sa karampatang disposisyon.