Connect with us

Aklan News

MOA NG AKELCO AT IIEE, KINUWESTYON NG MGA INCUMBENT OFFICERS

Published

on

Kalibo, Aklan – Kinuwestyon ng mga incumbent officers ng Institute of Integrated Electrical Engineer (IIEE) ang Memorandum of Agreement (MOA) na pinasok ng bagong opisyales ng IIEE Aklan Chapter at Akelco.

Iginiit ng mga ito na walang bisa ang MOA sa gitna ng Akelco at IIEE Aklan Chapter hinggil sa kanilang proyektong Sitio Electrification Program at Barangay Light Enhancement Program.

Ito ay dahil ang manual of operation na nagsasabing ang MOA na dapat pasukan ng Aklan Chapter ay dapat na pirmado umano ng chapter president at national president na may resolution sa Board of governors na hindi nangyari sa MOA.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Atty. Ariel Gepty ang Board Secretary ng Akelco, sinabi nito na balido ang nasabing MOA na pinasok ng IIEE Aklan Chapter at Akelco.                                                                                                                                                                    

Ayon kay Atty. Gepty, “Si Engr. Lumio ang pumasok sa MOA ng IIEE at Akelco,    siya ay armed ng resolution mula sa board of officers from the IIEE Aklan Chapter. Ibig sabihin he has the full capacity to represent the Aklan Chapter.”

Ipinaliwanag ni Gepty na gumawa ng maraming chapter sa buong bansa ang national office ay para ma decentralize ang ang kanilang functions.

“Kaya gumawa ang national office ng maraming chapter all over the Philippines para ma decentralize ang function ng national office,” ani Atty. Gepty.

Ibig sabihin umano nito ay pwede nilang ipasa ang authority sa Aklan chapter.

Dagdag pa niya, ang National office lang ang pwedeng mag kuwestyon sa kontrata na papasukin ng IIEE Aklan Chapter at hindi ang mga miyembro nito lalo na at fully executed na ang nasabing proyekto.

Ayon pa sa abogado, huli na ang lahat para ikuwestyon pa nila ang IIEE Aklan Chapter dahil tapos na ang naturang proyekto.

“It is valid in all aspects and as a matter of fact, all those contracts and subject of the MOA was properly audited by the COA as well as the auditor of the National Electrification Administration and there was no issue of disallowances as to those MOA. So for all intense and purposes it is completely valid and it was properly executed by both parties,” saad ni Atty. Gepty.