Connect with us

Aklan News

MOA SA PAGITAN NI AKLAN GOV. MIRAFLORES AT URBAN HAZMAT TRANSPORT SERVICES, APRUBADO NA!

Published

on

APRUBADO na ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang urgent request ni Gov. Florencio T. Miraflores na pumasok sa isang kasunduan sa Urban Hazmat Transport Services.

Ang nasabing Memorandum of Agreement (MOA) ay para sa transport at handling ng lahat ng uri ng hazardous waste mula sa Dr. Rafael S, Tumbukon Memorial Hospital, Ibajay District Hospital, Godofredo Ramos Hospital sa bayan ng Altavas, Don Ciriaco Tirol Hospital sa Isla ng Boracay, Don Leovigildo Diapo Hospital sa Madalag at ang Malay, Buruanga at Libacao Municipal Hospital na pagmamay-ari ng Aklan Provincial Goverment.

Nauna nang sinabi sa Radyo Todo ni Board member Nemisio Neron, Chairman ng Committe on Tranportation na ang Urban Hazmat Transport Services ang maghahakot sa lahat ng medical waste ng nasabing mga ospital mula dito sa lalawigan ng Aklan papuntang Iloilo City kung saan ikakarga naman ito ng barko papuntang Cavite para sa proper disposal.

Hindi na rin aniya ito dumaan sa public bidding dahil exempted ito ayon sa Republic Act 11505 o Bayanihan Act.

Magugunitang tinalakay ito sa joint committee hearing ng Committee on Health and Social Services at Committee on Energy, Public Utilities, Transportation and Communication nitong Pebrero 7 ng kasalukuyang taon.