Aklan News
MOA SA PAGITAN NI GOV. FLORENCIO MIRAFLORES AT URBAN HAZMAT TRANSPORT SERVICES, INIREKOMENDANG APRUBAHAN NG KOMITIBA
Inirekomendang aprubahan ng Joint Committee on Health and Social Services at Committee on Transportation and Communication ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang urgent request ni Gov. Florencio T. Miraflores na pumasok sa isang kasunduan sa Urban Hazmat Transport Services.
Ito ay para sa transport at handling ng lahat na uri ng hazardous waste ng Dr. Rafael S, Tumbukon Memorial Hospital, Ibajay District Hispital, Godofredo Ramos Hospital sa bayan ng Altavas, Don Ciriaco Tirol Hospital sa Isla ng Boracay, Don Leovigildo Diapo Hospital sa Madalag at ang Malay, Buruanga at Libacao Municipal Hospital na pagmamay-ari ng Aklan Provincial Goverment.
Sa panayam kay SP Member Nemisio Neron na Chairman ng Committe on Tranportation, ang nasabing kumpanya umano ang maghahakot sa lahat ng medical waste ng nasabing mga ospital mula dito sa lalawigan ng Aklan papuntang Iloilo City kung saan ikakarga naman ito ng barko papuntang Cavite para sa proper disposal.
Dagdag pa ni Neron na hindi na ito dumaan sa public bidding dahil exempted ito ayon sa Republic Act 11505 o ang Bayanihan Act.
Hindi naman isinapubliko ni Neron kung magkano ang halaga ng nasabing kontrata.
Isusumumite naman ng joint committe ang kanilang rekomendasyon sa araw ng Lunes para sa adoption at approval ng plenaryo.