Aklan News
MORE POWER, PINAYAGAN NG KORTE NA I-TAKE OVER ANG ASSETS NG PECO
PINAYAGAN ni Iloilo Regional Trial Court Branch 37 Judge Yvette Go na bigyan ng Writ of Possession ang MORE Electric and Power Corporation (MORE) para itake over ang distribution assets ng Panay Electric Company (PECO).
Ito at matapos masatisfied ng MORE Power ang husgado na may bigat ang petition at nacomply nito ang mga kinakailangan sa issuance ng Writ of Possession.
Inilabas ang 13 pahinang order noong nakaraang August 14.
Nakapag deposit na rin ang MORE ng initial na bayad sa bangko para sa just compensation na mahigit 480 million pesos.
Ayon sa korte, hindi maitatanggi ang katotohanan na wala ng franchise ang PECO at ang MORE ngayon ang merong legislative franchise na Republic Act 11212 bilang electric distribution utility sa Iloilo City.
Ang pinanghahawakan lang diumano ng PECO ay provisional Certificate of Public Convenience and Necessity na ibinigay ng Energy Regulatory Commission bilang bahagi ng transitory provision ng nasabing batas para mapasiguro na walang interruption sa serbisyo ng kuryente sa Iloilo habang isinasagawa ang 2 taon na transition period.
Dahil din sa nasabing batas ay nabigyan na ng kapangyarihan ng gobyerno ang MORE Power para kunin ang nasabing public utility assets.
Matapos ang order na ito ay nagpa inhibit rin agad si Judge Go sa pagpapatuloy ng pagdinig sa main case na Expropriation.
Kaninang hapon ay napunta ang kaso sa Branch 35 sa sala ni Judge Hon. Daniel Antonio Gerardo Amular.
Hinihintay na lang na mai-issue ng korte ang Writ of Possession para maiserbe na ito ng Sherrif sa mga opisyal ng PECO.
Ikinasaya naman ng mga anti PECO consumers ang pinakahuling desisyon na ito ng korte at umaasang maging mapayapa ang pagpasa nito sa MORE Power.
Nakahanda nang ipatupad ng MORE power ang mga programa nito para sa pagpapaganda ng serbisyo at pagpapamura ng presyo ng kuryente na matagal ng pinapangarap ng mga Ilonggo.