Connect with us

Aklan News

Motor at topdown na nagbanggaan, inabandona sa gilid ng daan

Published

on

Naka-impound ngayon sa Kalibo Municipal Police Station ang isang topdown at motorsiklo matapos abandonahin sa gilid ng kalsada sa Brgy. Estancia, Kalibo kaninang madaling-araw.
Batay sa report ng mga kapulisan, mayroon umanong nagsumbong sa kanila na may nangyaring aksidente.
Pero pagdating nila sa lugar ay wala ng tao at pawang top down at motorsiklo nalang ang natira na iniwan sa gilid ng kalsada.
Tiningnan nila ang CCTV at doon nakita na nagbanggaan ang magkasalubong na mga sasakyan.
Agad naman nila itong inayos at nilagay sa gilid ng kalsada tsaka parehong sumakay sa tricycle.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan para makikilala ang mga may-ari ng naturang mga sasakyan.