Connect with us

Aklan News

Motor at tricycle nagsalpukan, 1 sugatan

Published

on

Isa ang sugatan matapos na magsalpukan ang isang motorsiklo at tricycle kagabi sa Purok 2, Brgy. Tinigaw, Kalibo.

Napag-alaman na 40-anyos ang tricycle driver na residente ng Brgy. Pagsanghan, Banga habang 43-anyos naman na residente ng Brgy. Estancia, Kalibo ang driver ng motor.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula sa magkaibang direksyon ang dalawang sasakyan nang magkasalubong pagdating sa crossing dahilan ng aksidente.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang motorista.

Habang hindi naman napaano ang tricycle driver na napag-alamang nakainom.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Kalibo PNP ang tricycle para sa karampatang disposisyon.