Connect with us

Aklan News

Motor nag-overshoot sa palayan, driver at angkas sugatan

Published

on

SUGATAN ang drayber at backrider ng isang motorsiklo matapos na mag-overshoot sa palayan sa may Pook, Diversion Road pasado alas-12:40 ng hatinggabi nitong Miyerkules.

Kinilala ang drayber ng motor na si Neopebe Patani, 32-anyos na residente ng Guinbaliwan, New Washington at ang angkas nitong 17-anyos na residente ng Jalas, New Washington.

Ayon kay Patani, galing sila ng Pook Jetty Port at pauwi na sana sa New Washington nang mangyari ang aksidente.

Wala umanong ilaw ang kanilang motor at wala ring ilaw sa lugar kaya hindi nito na pansin na lumagpas na sila sa gutter ng kalsada at dumeretso ang motor sa palayan.

Nagtamo ng sugat sa ulo at ibat-ibang parte ng katawan ang 17-anyos na backrider at sugat sa paa naman ang tinamo ni Patani.

Agad naman silang nirespondehan ng MDRRMO Kalibo at binigyan ng paunang lunas saka dinala sa ospital.