Connect with us

Aklan News

Motor nasalpok ng isa pang motor sa kahabaan ng Brgy. Estancia

Published

on

Sugatan ang dalawang indibidwal matapos masangkot sa aksidente ngayong tanghali sa bayan ng Kalibo.

Sa paunang impormasyon, magkasunod umano ang dalawang motorsiklo na parehong papunta ng Kalibo.

Ayon sa isang babaeng rider na residente ng Brgy. Caano, tumigil umano ang isang multicab na nasa harapan nito kaya’t bigla rin itong tumigil.

Sinasabing, posibleng hindi ito agad napansin ng isa pang rider na kasunod kaya ito sumalpok.

Parehong tumba ang dalawang motorsiklo kung saan sugatan ang angkas ng naunang motor at maswerteng ligtas naman ang driver nito.

Habang sugat at iba pang galos sa katawan ang tinamo ng nakasalpok na rider na agad ring isinugod sa ospital.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo Pnp kaugnay sa nangyari.