Aklan News
Motor ng naaksidente sa Altavas, umano’y ninakaw matapos iwan sa gilid ng kalsada
Wala na nang balikan ng isang lalaki ang kaniyang motorsiklo na pansamantala nitong iniwan sa gilid ng daan sa Brgy. Lupo, Altavas kagabi.
Batay sa report, nakainom umano ang 37-anyos na motoristang residente ng Brgy. Ginictan, Altavas at naaksidente ito sa nasabing lugar.
Nagtamo siya ng galos sa kanyang mga katawan kaya dinala siya sa ospital ng mga tumulong na residente.
Dahil dito, pansamantalang niyang iniwan sa gilid ng kalsada ang kaniyang motorsiklo.
Ngunit makalipas ang ilang oras, bumalik siya sa lugar para kunin ang kanyang motor ngunit wala na umano ito roon kaya’t hinala niya ay baka ninakaw na ito.
Samantala, sa panayam naman ng Radyo Todo kay Chief of Investigator Cordero ng Altavas PNP, hindi pa umano ito idineklarang kaso ng carnaping dahil may posibilidad na baka iniligpit lang ng mga residente sa lugar ang motor dahil nasa gilid lang ito ng daan.
Sa ngayon umano ay nakatakdang magsagawa ng follow up investigation ang mga kapulisan sa lugar para makumpirma ang insidente.
Kaugnay nito, patuloy naman ang panawagan ng may-ari kung sino man ang nakapansin o nakakita sa kaniyang motor ay ipagbigay-alam nalang sa mga otoridad.