Connect with us

Aklan News

Motor ng topdown, biglang nagliyab sa Altavas

Published

on

Halos hindi na mapakinabangan ang motorsiklo ng isang topdown matapos itong masunog dakong alas-3:00 ng hapon nitong Miyerkules sa Brgy. Poblacion, Altavas.

Kinilala ang may-ari na si Ronel Lastimoso, 36-anyos na residente ng Brgy. Aglalana, Dumarao, Capiz. Batay sa panayam ng Radyo Todo sa BFP Altavas, nagdedeliver raw ng mga saging si Lastimoso sa lugar.

Sinasabing, ipinarada muna nito ang topdown na may mga kargang saging sa gilid ng kalsada pero nang bumalik ito at pinaandar ang motor ay bigla na lang itong lumiyab. Nakaalis naman kaagad ang driver kaya hindi ito napaano.

Samantala, nagtulungan naman ang mga residente na kunin ang ilang kargang saging. Samantala, sunog na ang mga makina, upuan at iba pang bahagi ng topdown nang dumating ang mga bumbero.

Nasa P1,747 ang naitalang danyos ng BFP Altavas sa nangyaring sunog.

Continue Reading