Aklan News
Motor vs motor; driver, 1 angkas sugatan
Sugatan ang dalawang driver at isang angkas matapos na magsalpukan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Tambak, New Washington.
Napag-alaman na pawang menor-de-edad ang driver ng isang motorsiklo at angkas nito habang 47-anyos naman ang isa pang driver.
Sinasabing magkasalubong ang mga ito nang bigla nalang magsalpukan sa nasabing kalsada.
Dahil dito, parehong natumba ang motorsiklo rason para magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang menor de edad habang tama naman sa ulo at pamamaga ng mata ang tinamo ng 47-anyos na driver.
Agad namang dinala ng MDRRMO Kalibo ang mga biktima sa ospital para sa kaukulang pagpapagamot.
Continue Reading