Connect with us

Aklan News

Motor vs. Motor, nagkasalpukan sa polo, banga; parehong rider, sugatan ‎

Published

on

‎NAGTAMO ng head injuries ang parehong drayber ng motorsiklo matapos na magkasalpukan sa bahagi ng Brgy. Polo, Banga, nitong hatinggabi ng Linggo, Mayo 4.
‎Kinilala ang mga biktima na si Ruby Florendo, 39-anyos na taga-Poblacion, Banga at Justin Cahilig, 19-anyos na residente ng Brgy. Dingle, Banga.
‎Sa imbestigasyon ng Banga PNP, magkasalubong umano ang dalawang motorsiklo nang mangyari ang aksidente.
‎Isinugod naman sa ospital ng mga rumespondeng MDRRMO-Banga ang parehong mga drayber.
‎Confined sa Provincial Hospital si Florendo habang inilipat naman sa pribadong hospital si Cahilig.
‎Sa ngayon, nagsasagawa pa ng follow-up investigation ang Banga PNP kaugnay ng nangyari. l Ulat ni Arvin Rompe
Sa iba pang balita, bisitahin: www.radyotodo.