Connect with us

Aklan News

Motor vs. motor, nagsalpukan; backrider, sugatan

Published

on

SUGATAN ang isang backrider matapos masalpok ang sinasakyang motorsiklo ng isa pang motorsiklo sa Brgy. Badiangan, Banga bandang alas-4:00 ng hapon nitong Miyerkules, Abril 23.
‎Ang isang motorista ay 26-anyos habang ang drayber naman ng isa pang motor na namamasada o habal-habal ay minamaneho ng 40-anyos angkas ang 47-anyos na pasahero.
‎Sa imbestigasyon ng Banga PNP, magkasunod ang dalawang motor na parehong direksiyon pa-Poblacion, Banga.
‎Pagdating sa lugar, umano’y sumalpok ang motorsiklo sa nasabing habal-habal.
‎Dahil sa impact, tumilapon ang pasahero ng habal-habal dahilan para magtamo ito ng mga galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
‎Isinugod naman sa Provincial Hospital ng rumespondeng MDRRMO-Banga ang pasahero na sa ngayon ay patuloy pang ginagamot.l Ulat ni Arvin Rompe