Aklan News
Motor vs motor nagsalpukan, mga driver sugatan
Sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng dalawang driver ng motorsiklo matapos na magsalpukan ang mga ito sa bahagi ng Osmeña Avenue, Brgy. Estancia, Kalibo ngayong umaga.
Napag-alaman na 36-anyos ang isang driver habang senior citizen na edad 65-anyos naman ang driver ng isa pang motor.
Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, mula umano sa bayan ng Lezo ang isang motorsiklo na papunta sanang Capitol site.
Ngunit habang binabaybay nito ang nasabing lugar ay sakto umanong lumabas naman mula Melgar Road ang motor na minamaneho ng senior citizen kaya’t nagsalpukan ang mga ito.
Parehong tumba sa kalsada ang dalawa dahilan ng pagtamo nito ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Agad nag responde ang mga Bfp rescuers at binigyan ng paunang-lunas ang mga biktima.
Samantala, nagkaareglo rin ang mga sangkot sa naturang aksidente.